Bakit maraming Pinoy ang hirap humingi ng tulong para sa mental health? | Need to Know

Warning: Tinatalakay sa video na ito ang usapin ng mental health

Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization Special Initiative for Mental Health, aabot sa 3.6 million na Pinoy ang nakakaranas ng mental disorder. Sa bilang na ‘yan kakaunti ang nagpapatingin o kumokonsulta. Ang isang nakikitang dahilan, ang stigma na nakakabit sa mga sakit na ito.

Isang seryosong usapin ang mental health na dapat nating tutukan. Bakit ba maraming Pinoy ang hirap humingi ng tulong para sa mental health? Ang mga dapat ninyong malaman, panoorin sa video na ito.

News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

27 Comments

  1. Hello po everyone san po lalapit at paano mag step by step proseso para mailagay Yung pinsan ko sa mental health facility Kasi ginapos po siya Ng mga baranggay official tapos pagka Gabi sigaw Ng sigaw nakakadisturbo po siya sa lahat Ng kapitbahay di na nakakautog Yung mga kabitbahay sana may sumagoy salamat po

  2. May mental health issue ako kaso Hindi ako sinisiryoso ng magulang ko hindi ko na alam gagawin ko kasi pati mismong magulang ko ayaw ako paniwalaan 😢

  3. Bullying is the nomberone issues kung bakit nagka mental health ang tao at isa ako sa may mental health issues pero nillabanan ko.

  4. Hirap din kasi sa karamihan ng mga tao ngayon, hindi mapag-pasensya sa kung anong nakikita/naririnig nila sa ibang tao. Kaya nauuna agad ang salita bago ang aksyon dahil mas madali nga naman 'yon gawin; parang pag-aaral sa school, kaya rin siguro dumami populasyon. Tsaka, baka sila din kasi mismo, may underlying weakness sa pag-iisip nila o sadyang denial nga talaga if nagagawa naman nila makipag-socialize araw-araw para magkaroon ng income. Ma-pride lang sila pagka ganon..

  5. I was diagnosed with Bipolar Disorder 1. Napakahirap ng 20 years na suffering. Lalo na magulang mo ang nagtanim. Now I am under medication at may time sobrang malakas side effect ng gamot.

  6. may depression po anak ko lalaki 25yo n ilan beses n din ngpatingin sa doc..hnd sya uminiom gamot…sa ngyin pgnagagalit sya nsasaktam nanay nya sinusuktok ano ma advice nyo doc

  7. Pag ganito ang sakit mo
    Mag eenjoy ang mga
    Perpektong tao na
    Pagmasdan ka habang na hihirapan
    Tuwang tuwa sila sa na kikita nila
    Palibhasa
    Wala sila sa sitwasyon
    Pag nag ka roon k ng ganyang sakit
    Walang katapusang
    Impiyerno ang mararanasan mo
    Hanggat buhay ka
    Ma swerte k n lng kung
    Atakihin ka sa puso
    Para makatakas n
    Sa impiyernong
    Buhay na yan

  8. Mahirap talagang may mental illness, una ung anak slight p lng d nmin alm n malla n pla , nillabanan nya ksi n hindi cia matulog, naroon magkape, patalon2 pra hindi makatulog, ngaun highest level n . Kailangan dw mag ggamot n cia ng maintenance, mahal p nmn ng gamot..

  9. sa pinas talaga walang sumiseryoso ng mental health kkainin ka ng buhay ng bullies growing up is so hard para sakin learning difficulties sa school diko maintindihan bat ganon para kang iba sa mga kasama mo u can never be yourself tingin nila sayo di normal you get pick on everytime hirap lumaban sa buhay you dont want to get out sa comfort zone mo parang u want to please other people para di ka i judge. until now i pray to god give me strenght to overcome this.

  10. Dear GMA ….. Ito po ang kasagutan ko sa malaking tanong na iyan:

    Kung may problema ang tao sa kalagayan ng kanyang pag- iisip , madali niyang mararamdaman iyan dahil pinahihirapan siya ng sariling isip. Sa sakit na ito, walang mas magaling na doktor kaysa sa iyo, para sa sariling kagalingan mo.

    Bago nawala sa sariling ulirat ang tao, sikapin niyang gamutin ang kanyang isip.

    PINAKAMABISANG PARAAN SA PAGGAMOT SA SARILI :

    1.) MAGDASAL . Balak mo pa lang kausapin ang DIYOS, pinagagaling ka na NIYA.

    2.) COUNT YOUR BLESSINGS BEFORE YOU FORGET TO REMENBER THEM ALL !

    THERE ARE PEOPLE WHO MIGHT BE LESS FORTUNATE AROUND YOU. BE HAPPY TO HELP THEM.

    3.) START LEARNING TO TURN NEGATIVE INTO POSITIVE LOOK.

    NEGATIVE HAVE ALSO POSITIVE SIDES AND ADVANTAGES. MALABO BA ? TINGNANG MABUTI BAGO MAWALA SA SARILI.

    4.) HUWAG KIMKIMIN ANG GALIT. MAGSALITA, ILABAS ANG NADARAMA. KUNG KAILANG SUMABOG, SUMABOG KA PARA IPAALAM NA NASAKTAN KA .

    GANYAN MO PALABASIN ANG LASON NA GUSTONG SUMIRA SA MGA INNER ORGANS MO .

    GANITO NINYO PANGALAGAAN ANG KALUSUGAN NG INYONG SARILING ISIPAN NA MAGPAPALUSOG DIN SA INYONG MATERIAL NA PANGANGATAWAN AT INNER ORGANS.

    NAKAKAHAWA KAYA ANG MAGANDA AT MASIGLANG VIBRATION .
    HINDI KA NA MABUBUANG, MAKAKAGAMOT KA PA SA MGA MAY
    DEPRESYON .

  11. the majority of Filipinos are still so oblivious to this topic that they choose not to believe that these illnesses actually exist (in short, mental health stigma is still very rampant sa pinas)

  12. Panahon na para mawala ang stigma sa mental health sa mga pilipino at maglaan naman sana ng malaking budget ang gobyerno para matulungan ang mga pilipinong dumaranas ng mga ganitong karamdaman.

  13. "Sinasaniban ng masamang espiritu"

    I felt that, especially being in a Christian household. I was diagnosed in 2014 with depression, anxiety, and PTSD. I also have a visual disability, autism, and ADHD. At dahil anak ako sa labas, my family thinks I was cursed by God dahil sa kasalanan ng magulang ko, "generational cursed by God" daw ako, so ayan, ikinakahiya nila ako at itinatakwil, lalong lalo na nung malaman nilang unti unti na akong mabubulag.

    Sa sitwasyon kong iyan, tapos hindi pa ako makahanap ng trabaho dahil di rin ako naka tapos, kahit isang kamag-anak walang gustong kumupkop sa akin sa panahong yung current na kumukupkop sa akin ay gusto na akong paalisin dahil ikakasal na ang anak nila at di naman daw ako pwedeng isama dahil magiging ugat lang daw ako ng away mag-asawa nila tulad ng nangyayari sa Tita ko at asawa niya na laging ako yung reason ng away dahil yung asawa ay gusto na akong palayasin dahil pabigat lamang ako sa kanila.

    Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo sa kung sino man po ang makakatulong. Hindi naman po financially ang hingi ko, kung hindi support lang o kaya trabaho na mapagtitiyagaan ang isang tulad ko na may mga ganyang pasanin. 😭

Leave A Reply